Karugtong ng kwento ni Don Pedro sa estranjero (Ang kabanata ni Mameng at Peter)

     Hindi mawari ni Peter kung bakit ibig nang sumama sa kanya ni Mameng! Bakiiit? mariing tanong ni Peter. Nakayukong impit ang iyak ni Mameng, kasi kasi kagabi habang katabi kitang natutulog may nangyari sa ating dalawa, ano! wala akong kaalam alam diyan hindi ko na nga alam kong paano ako napunta dito sa silid mo, ang huling hinagap ng aking ulirat ay napayukyuk na ako sa lamesa katabi nang mga de boteng inumin, paanong may mangyayari sa atin? mariing tanong ni peter, iyong nga sagot ni Mameng naawa ako sayo kaya inalalayan kita sa aking silid dahil nga sa malamok sa labas. At ikaw ay aking pinunasan ng mainit na tuwalya para mahimas-masan ngunit habang ikaw ay pinupunasan may naramdaman akong kakaibang int ng katawan na mahirap pigilin at nagawa ang isang bagay na ni sa hinagap ay maaring gawin ng isang berhin na babae. 

Ang ebedensya na may nangyari nga sa dalawa.  

    Matigas na tumanggi si Peter, ang impit na pagiyak ni Mameng ay napalitan ng hagulgul, Sa pagtayo ni Peter upang umalis na ay nasulyapan niya ng mapulang bahid ng dugo sa puting kobre kama. Siya ay napahinto at napaupo sa gilid ng kama bilang isang maginoo at pinalaking may pagpapahalaga sa dignidad nang kababaehan, ay inalo niya si Mameng at wika niya'y dahil sa may nangyari nga sa atin ay pananagutan ko ang nangyari, ngunit hindi ka pa rin pwedeng sumama sa akin dahil ayaw kong magmukhang mapagsamantala sa isang kaibigan na nagtiwala sa akin. Dapat malaman ito ng inyong kapatid.     

Comments

Popular Posts