Sunday, December 23, 2012

Mahirap ang buhay dito sa Pilipinas hindi lang 8 hours ang kailangan para ikaw ay mabuhay ng maayos minsa mula alas 4 ng umaga hanggang als dose ng gabi kailangan mong kumayod.. 2 years pa lang ako dito malaki ang pinagbago ng aking hitsura ambilis kong tumanda maski nag-wowork out ako at nag eexercise naglabasan na kaagad ang mga kulubot sa aking mukha tanda ng kahirapan dito sa aking bansa.

Saturday, June 9, 2012

Buhay Gapo

Bumalik ako sa aking sariling bansa sa dulo ng tag-init ngayon ay tag-ulan na naman pero tila baga'y walang pagbabago ang buhay kinakailangan ay gumawa ka sa loob ng labing walong oras upang mapanatili mo ang lifestyle na kinagawian mo... kagaya ng maintenance ng tatlong big bike, 1 van at isang honda civic sedan. ngunit ito ang aking papel ang tuloy tuloy na gumawa upang masuportahan ang mga nangangailangan...

Panimula ng ikalawang kabanata ng pakikipagsapalaran

Ngayon ko lang naranasan na napakahirap ang maging isang manunulat sapagkat sa loob ng 12 taon ay ni hindi ko pa nakakalahati ang aking obra. Ipagpapatuloy ko  ang naudlot na kwento ni Peter ang bida sa aking nobela...