Saturday, December 1, 2007

Ang estranjero

Bagama't ganap na estranghero si Peter sa San Nicolas ngunit hindi siya nagpakita ng takot o bahid nang anumang karuwagan sapagkat alam niya na ang ganitong pakiramdam ng isang tao ay magpapahina sa loob at madaling maigupo ng anumang elemento ng surprisa.
Pumanatag siya sa kanyang pagkakaupo at patuloy niyang sinisipsip ang kape na inihain sa kanya ng isang tinedyer na babae na kasalukuyan pa ring nakabantay sa kanya. Mula pa kanina ay namahay na sa kanyang guniguni na masarap halikan ang mapulang labi at madama ang ang mga namumurok na suso na wari'y nagmamalaki na nakatayo sa kanyang dibdib. Nang biglang pumasok sa salas ang lalaking nag-anyaya sa kanya at sumunod ang karamihan, narito sa ating gitna ang bagong kapamilya maghain at mainuman tayo para sa pambihirang pagkakataon naito pahayag ng lalaki. Natural kay Peter ang mag-isip ngunit sumakay na lang siya sa takbo ng pangyayari hangang siya ay malango at ipinaubaya na lang niya ang kanyang kaligtasan sa mga taong ito na ngayon lang niya nakita at nakasalamuha.
Makirot ang ulo, pupungas pungas na bumangon si peter upang mag sipilyo ng ngipin, ng mapansin niya na may pagbabago sa kanyang kwarto at kakaibang paligid masinop at ayos na ayos na kobre kama at may isang malasutlang kamay na nakadungaw sa ilalim ng unan, doon lang niya na pagtanto na hindi ito ang kanyang bahay nasa ibang bahay siya at nang bumangon at ngumiti sa kanya ang isang balingkinitang katawan na kalahatiy hubad at ianaantok pang mga mata mula sa kama na kanyang tinulugan.

Si Mameng ang tinedyer na sa simula palang ay kanya nang pinag-pantasyahan ay nakatabi niya buong magdamag. Siya'y lasing na lasing at hindi maapuhap ang nangyari sa nagdaang gabi. Pilit niyang binabalikan ang mga pangyayari ngunit walang marka ng ano mang ala-ala sa kanyang gunita. Hindi siya makapangusap, kundi tinitigan na lang niya ang dalaga ng mga matang punong puno ng tanong.

Mang Peter silid ko ito at dito na kita pinatulog kasi sa sopa ay hindi ka komportable at maraming lamok sa labas wika ng dalaga. Hindi iyon ang aking ibig sabihin ngunit nagpapasalamat narin ako sa kagandahang loob mo sa akin. Ah kalimutan mo na iyon kagustuhan ko rin iyon ang tugon ng babae. Dalawang tanong ang naiwan sa isip ni Peter "kagustuhan" ang patulugin sa silid o ang maki-pagniig sa kanya. Maya maya ay may kumatok sa pintuan upang ipahayag na handa ang almusal.

Dali-daling nagbihis si Mameng mula sa damit na pantulog at ganoon din si Peter mula sa kanyang suot na puruntung at kamisa chino. Sa harap ng hapag kainan masayang bumati si Carding at kinkwento kung gaano kagaling bumigkas ng tula si Peter at kung gaano katibay sa inuman dahil siya na lang ang natira kagabi sa kasayahan, ang iba ay bumagsak na at ang iba unti unti nang nangawala.

Ipagpaumanhin po ninyo hindi ko po matandaan ang mga kaganapan kagabi dahil matindi ang sakit nang ulo ko sa hangover. Ito ang puswelong kape saglit lang iyan tanggal na sa sarap ng kapeng barako espesyal mula sa Batangas wika ni Mameng. may karugtong !!

Sunday, October 14, 2007

Ang San Nicolas

Isang maamong mukha nang isang lalaki ang bumati kay Peter naaninag niya ang kaanyuan nito sa pagkakasandal sa poste ng elektrisidad noong siya ay naglalakad nang walang patutunguhan "Magandang gabi kaibigan" ang bati sa kanya, magandang gabi naman ang kanyang tugon. Saan po ba ang punta niyo at taga-saan po kayo? sa mga tanong ay bigla siyang nagulumihanan sapagkat nawari niya'y nasa ibang teritoryo siya ng lunsod. Ako po ay naglalakad ng walang patutunguhan upang maalis lang ang pagkabagot at ako ay taga Azcarraga sa gawing Divisoria. Mainam, at tayo pala ay maaring maging mag-kaibigan. Ako si Manding at San Nicolas ang aking tahanan at ang dalampasigan ng ilog ang aking palaruan, sa tinuran ng lalaki ay napakislot si Peter dahil notoryus ang dalampasigan nang ilog na pinag-eenkwentruhan ng mga sanggano at tuwing umaga may nakalutang na patay sa dakong iyon. Ako naman si Peter kagaya ng nasabi taga Azcarraga ang inyong lingkod. Kung iyong mamarapatin ay ina-anyayahan kita na sumalo sa akin sa gabing ito at ipakikilala ko saiyo ang aking familya wika ni Manding. Bagama't andap ang loob ni Peter ay nagpaunlak siya binaybay nila ang delpan ngunit wari niya bawat kanto ay may mga matang nakasubaybay sa kanila ilang liko pa at sinapit nila ang isang magarang tahanan. Ito ang aking bahay sa Intramuros wika ni Manding at sininyasan siyang tumuloy na. Mag-relax ka saglit at magpapahanda ako ng ating mapagsasalu-saluhan. Saglit lang ay may-lumabas na babae mga idad dece-sais may dala dalang platito na may puswelo at nagmagandang gabi at nagwika ito po ang pantighaw uhaw niyo. Salamat wika niya. Ilang sandali may naririnig si Peter na nagdadatingan na mga tao paanas ang usapan na nagbibigay kilabot sa katauhan ni Peter.

Tuesday, October 2, 2007

Tuloy ang kwento ni Don Pedro

Si Peter ay naging aprendes sa isang talyer at nahasa siya sa paghubog ng mga bakal at ito ang kanyang naging hanap buhay. Ngunit siya ay likas na uhaw sa ibat ibang uri ng karanasan, Siya ay sumapi sa isang samahan ng mga makata at naging kasa kasama at tagapagturo niya si Huseng Sisiw at sila ay nananapatan sa Bulacan at dumadayo ng balagtasan. Nasubukan din niyang maging radikal at sumama sa mga sakdalista (ang samahang ito ay tunay na naghahasik ng lagim pagka marinig ang sigaw na "Sakdal" ito ay nagbabadya na maguumpisa na ang kaguluhan) sa isang pagkakataon kasama si Peter upang maghasik ng lagim sa isang lugar sa Blumentritt napili nila ang isang pistahan sa isang sigaw na"SAKDAL" nagpulasan ang mga tao di atubili kung sino man ang matapakan at madaganan, sa sulok ng mata ni Peter may nakita siyang babae na nagmamakaawa dahil nasa ilalim ng mga paa ng mga tao at kanyang napagwari na ito buntis sa isang iglap ay para siyang si Herkules na ang mga taong nakadagan sa babae ay kanyang ipinaghahagis magkabi-kabila at ipinahayag niya na ang babaeng buntis ay kanyang may bahay umani siya ng paghanga sa pagkakataong iyon at sa pagkakataong ding iyong ay kumalas na siya sa samahan ng mga sakdalista napagtanto niya na walang maidudulot na buti ang samahang iyon puro kawasakan at kasiraan. sa susunod ang paghahanap ng tunay na samahan

Saturday, September 29, 2007

Anabe, Orias E.

Ang kwentong ito ay alay ko sa aking ama na si Don Pedro Anabe isang karaniwang tao nagng makulay ang buhay

Alay kay Don Pedro

BLOG REMOVED