Tuloy ang kwento ni Don Pedro
Si Peter ay naging aprendes sa isang talyer at nahasa siya sa paghubog ng mga bakal at ito ang kanyang naging hanap buhay. Ngunit siya ay likas na uhaw sa ibat ibang uri ng karanasan, Siya ay sumapi sa isang samahan ng mga makata at naging kasa kasama at tagapagturo niya si Huseng Sisiw at sila ay nananapatan sa Bulacan at dumadayo ng balagtasan. Nasubukan din niyang maging radikal at sumama sa mga sakdalista (ang samahang ito ay tunay na naghahasik ng lagim pagka marinig ang sigaw na "Sakdal" ito ay nagbabadya na maguumpisa na ang kaguluhan) sa isang pagkakataon kasama si Peter upang maghasik ng lagim sa isang lugar sa Blumentritt napili nila ang isang pistahan sa isang sigaw na"SAKDAL" nagpulasan ang mga tao di atubili kung sino man ang matapakan at madaganan, sa sulok ng mata ni Peter may nakita siyang babae na nagmamakaawa dahil nasa ilalim ng mga paa ng mga tao at kanyang napagwari na ito buntis sa isang iglap ay para siyang si Herkules na ang mga taong nakadagan sa babae ay kanyang ipinaghahagis magkabi-kabila at ipinahayag niya na ang babaeng buntis ay kanyang may bahay umani siya ng paghanga sa pagkakataong iyon at sa pagkakataong ding iyong ay kumalas na siya sa samahan ng mga sakdalista napagtanto niya na walang maidudulot na buti ang samahang iyon puro kawasakan at kasiraan. sa susunod ang paghahanap ng tunay na samahan.
Sa kahungkagan at kawalang direksyon ng buhay ni Peter siya ay nagpasalin sa ibat ibang grupo ng mga sanggano. Minsan sa isang lakad ng bagong pangkat na kanyang sinamahan nagawi sila sa Tondo upang maghanap ng thrill armado ng caborata at llabe llesa ang iba ay may pamalo at ang pinakadelikado ay bente nueve, jungle bolo ito ang mga deadly na armas nila. Sa kanilang paglalakad may isang pangkat na siyang naghahari sa teretoryong iyon ng Tondo ng makita sila dali daling sinita ang kanilang grupo!" Mga kosa saan ang lakad natin tila gayak kayo sa basagan ng ulo! at walang ano ano'y hinagupit ng caburata ang lider nila at ito'y napa ringking sa sakit ng tama, si peter ay biglang napaigtad ng undayan siya ng saksak ng bente nueve, komo si peter ay bata pa at nasa kapusukan kahit walang taglay na armas, matapang niyang sinugod ang taong sumaksak sa kanya at bingiwasan niya ito ng isang upper cut bulata sa lupa ang may hawak ng patalim. Ginamit ni Peter ang kanyang kamao bawat tamaan ng kanyang kaliwa siguradong tulog dahil likas na malakas talaga si peter naikwento niya sa akin na noong nagaaral pa siya sa Elementarya meron siyang alagang baka na ginagamit niya sa pagpasok sa school, noong minsan ang nagloko ito at tuwing sasakay siya ay mananakbo sa inis ni Peter kanayng niresling ang baka at ito inihampas niya sa lupa pinagmamasdan pala siya ng mayari ng asyenda na daanan pauwi sa kanila. Sa pagkakataong ito sa sandali ng adrenalin rush gumana na naman ang kanyang pambihirang lakas at bawat abutan ng kanyang bigwas ay tulog nang may maramdaman siyang gumuhit sa kanyang likod na mainit at pumatak ang sariwang dugo at dumaloy sa kanyang damit naramdaman na lang niya na nagdidilim ang kanayang paningin dahil sa maraming dugo na tumapon at siya'y nawalan ng malay nang magising siya ay nasa isang lugar na ngayon lang niya napuntahan at sa kanyang nanlalabong paningin mga taong nakaputi at dito napagtanto niya na ito'y isang pagamutan, at sabi ng taong nasa tabi niya mabuti mga kalahating pulgada lamang ang lalim ng sugat ngunit ito ay pahaba mula bandang balikat hanggang beywang kaya maraming dugong natapon sa kanya. Ang ginamit pala na patalim ay sadyang binalutan ng panyo upang sadyang kalahating pulgada lang ang lalim ng sugat na magagawa na paguhit sa kanyang likod. Isang linggo din siyang namalagi sa pagamutan ng San Lazaro. May panibagong aral na naman siyang napulot mula sa karanasan niyang ito.
Comments