Ang San Nicolas

Sa pagmumuni-muni ni Peter napagtanto niya na walang mabuting maibibigay ang mga barkadang naglipana sa kamaynilaan lahat ay pawang kaguluhan. Kumawang siya sa mga barkadang sanggano at nanahimik muna siya at nang lubos nang gumaling ang kanyang sugat ay mag-isa siyang naglalakad lakad at nagawi siya sa isang lugar sa maynila na lubhang tahimik.
 
Isang maamong mukha nang isang lalaki ang bumati kay Peter naaninag niya ang kaanyuan nito sa pagkakasandal sa poste ng elektrisidad noong siya ay naglalakad nang walang patutunguhan "Magandang gabi kaibigan" ang bati sa kanya, magandang gabi naman ang kanyang tugon. Saan po ba ang punta niyo at taga-saan po kayo? sa mga tanong ay bigla siyang nagulumihanan sapagkat nawari niya'y nasa ibang teritoryo siya ng lunsod. Ako po ay naglalakad ng walang patutunguhan upang maalis lang ang pagkabagot at ako ay taga Azcarraga sa gawing Divisoria. Mainam, at tayo pala ay maaring maging mag-kaibigan. Ako si Manding at San Nicolas ang aking tahanan at ang dalampasigan ng ilog ang aking palaruan, sa tinuran ng lalaki ay napakislot si Peter dahil notoryus ang dalampasigan nang ilog na pinag-eenkwentruhan ng mga sanggano at tuwing umaga may nakalutang na patay sa dakong iyon. Ako naman si Peter kagaya ng nasabi taga Azcarraga ang inyong lingkod. Kung iyong mamarapatin ay ina-anyayahan kita na sumalo sa akin sa gabing ito at ipakikilala ko saiyo ang aking familya wika ni Manding. Bagama't andap ang loob ni Peter ay nagpaunlak siya binaybay nila ang delpan ngunit wari niya bawat kanto ay may mga matang nakasubaybay sa kanila ilang liko pa at sinapit nila ang isang magarang tahanan. Ito ang aking bahay sa Intramuros wika ni Manding at sininyasan siyang tumuloy na. Mag-relax ka saglit at magpapahanda ako ng ating mapagsasalu-saluhan. Saglit lang ay may-lumabas na babae mga idad dece-sais may dala dalang platito na may puswelo at nagmagandang gabi at nagwika ito po ang pantighaw uhaw niyo. Salamat wika niya. Ilang sandali may naririnig si Peter na nagdadatingan na mga tao paanas ang usapan na nagbibigay kilabot sa katauhan ni Peter. Sa pinaghalong kuryusidad at andap ni Peter naitanong niya sa tinedyer kung bakit maraming taong nagdadatingan sa kanilang bahay, wika ng tinedyer sila ang mga kaibigan ng aking kuya Manding isa siya lider ng mangagawa sa aming lugar at marami siyang kaibigan at kakilala na natutulungan lalo na sa larangan ng trabaho. 





  

Comments

Popular Posts